di dahil sa lilipat na kami ng bahay, pero dahil sa hindi ako sigurado kung tama ba ang desisyon namin na lumipat. nalulungkot ako dahil kahit paano, naging maginhawa ang aming mga araw sa mumunting sulok ng leongson.
mamimiss ko ang tapsilog at libreng sabaw sa pasola, ang panaderya sa magkabilang tabi ng aming bahay, ang lottohan, ang bangkaan (na siyang nagsasagip sa akin pag walang dyip), ang siomai ni tita kapampangan, ang champorado at pandesal ni paltok sa madaling araw - at oo, kahit na ang mga tricycle na nakakalat sa harap ng gate namin, mamimiss ko din.
mamimiss ko ang isang tumbling na layo ng bahay namin sa bahay ni jel. kapag gutom ako, saglit lang nandun na ako sa kanila. kapag namimiss ko siya, ta-tumbling lang ako, nandun na ko. ngayon - isang sakay ng dyip at 10 kandirit na bago ako makarating sa kanila.
pati na rin ang lapit ng bahay ko sa bahay ng mga magaganda kong kaibigan na sina dane at cheche, mamimiss ko din.
ngayon, ilang kahon na ang napupuno ko ng mga damit at kalat ko. masakit pa din ang katawan ko galing sa paglilinis ng bahay at pagpipintura ng kama na kabibili ko lang para gamitin. hindi pa rin ako tapos. ang dami ko pa gagawin.
hay. nahahassle ako.
ok lang yan...magkikita pa rin tayo... ikaw tlaga... ngiti na... :)
ReplyDeletenagcomment ka pala, ngayon ko lang nabasa. ikaw ang ngiti na :)
ReplyDelete