It's good to know that our country never runs out of selfless people despite every economic crisis, political bickering and calamities. Ang mga katulad nya ang dahilan kung bakit kahit paano ay mahal ko pa din ang Pilipinas at umiiral pa din ang Filipino pride ko. Nakakatuwa ding malaman na kahit sino, maaaring maging instrumento ng pagbabago.
Pagbabago. Uso to ngayon. Election eh. Bawat poster yata ng mga kakandidato merong salitang pagbabago. "Ako ang susi sa pagbabago". "Ang kailangan nyo sa pagbabago". "Progreso. Pagbabago". Eh paano nga ba ginagawa ang pagbabago?
Unang-una, bago ka magkaroon ng pagbabago, dapat meron kang VISION. Ano ba yung gusto mong mangyari? Ano ang gusto mong iimprove? Anong gusto mong baguhin? Ano ang nais mong marating? Kung wala nito, wala ring direksyon ang bawat galaw.
Pangalawa, dapat mayroong pagpaplano. Kumbaga sa teacher, meron kang syllabus o course outline. Ito yung magseset ng mga dapat i-accomplish para marating yung kung anong gusto mong marating.
Pangatlo, ang nasimulang vision at plano, dapat isagawa. Dito yata tayo medyo nagkukulang. Medyo kinakapos sa commitment at willpower. Nabibinbin ang mga nasimulan dahil kinakapos sa motibasyon, inspirasyon, pondo o kung anuman. Minsan high na high sa umpisa, paglaon ay tinatamad na.
At ang panghuli, ang ebalwasyon. Pagkatapos ng lahat, take a step back to see the overall picture of what we did, what we fail to accomplish and what could be improved on. Sa ganitong paraan, hindi nagiging stagnant at nakakapag adjust din tayo sa kung ano ang hiling ng panahon.
We all have the potential to be a catalyst for change. And that change can begin today.
(Pasensya na po sa mga nakakabasa kung hindi consistent English o Filipino ang blog na ito, ngunit sana ay kinakitaan ng kahit kaunting kabuluhan ang aking saloobin :) )